Paano nga ba mag-trabaho online?

Paano nga ba mag-work from home?

Kung tutuusin, simple lang naman para makapag-umpisa.

Eto, ang 3 simple steps:

  1. Gumawa ng Online Profile.
  2. Mag-apply ng trabaho.
  3. Kumpletuhin ang task para matuwa si client and gumanda ang ratings ng Online Profile mo.

Ganun lang.. 🙂

Pero iisa-isahin natin ang bawat hakbang para mas lalo nating maintindihan. Paalala lang na bilang isang online freelancer, importante na meron kang:

  • Computer/Laptop (hindi sapat na phone or tablet lang)
  • At least 2 Mbps na internet connection
  • Nakakaintindi, nakakapagsulat, at nakakapagsalita ka ng Ingles (dahil madalas na foreigner ang clients natin)

Ang Bawat Hakbang Kung Paano Maging Online Freelancer:

1. Gumawa ng Online Profile.

  • Ni-rerecommend ko na magstart sa Upwork dahil eto ang pinakamalaki at sikat na freelancing platform.

Ano nga ba ang freelancing platform?

Maihahalintulad ang isang freelancing platform sa Facebook (isang social platform) kung saan, sa halip na ‘friends’ ang mahahanap mo, ‘clients’ or ‘tasks’ naman sa freelancing platform.

Bukod sa Upwork, madami pang ibang freelance platforms na pwede mong subukan. Pero sa ngayon, Upwork muna ang pagtuunan natin ng pansin.

Eto ang detailed guide kung paano mag-create ng profile: https://vabootcamp.ph/how-to-create-an-upwork-profile/

Pag may online profile ka na, dito ka maaring maghanap ng mga job posts na pwede mong applyan.

Base sa laman ng profile mo, mamimili ang mga clients ng pipiliin nilang i-hire na freelancer. Kaya make sure na maganda ang pagkakagawa mo nito at bigyan ng madameng effort, parang kagaya na rin ng pag-aayos mo ng Facebook profile mo.

  • Mag-upload ka rin ng portfolio items (samples of work, certifications, badges, etc.).

Ang portfolio ay proof ng skills mo at kung anong kaya mong gawin. Dahil sa online ka lang makakasalamuha ni client, mas convincing ka if may laman ang portfolio mo.

Kung marunong kang mag-Microsoft Word, mag-photoshop, mag-sulat ng blog, gawa ka ng samples at ilagay mo rito.

  • Mag-take ka ng skill tests para makita nila ang kakayahan mo, parang tulad lang to sa corporate na may entrance exam bago ka ihire.

Optional ang pag-take nito, pero syempre, dagdag ‘expert points’ kapag maganda ang results ng skill tests mo.

  • Set-up mo rin kung ano payment method na gusto mo gamitin para ka mabayaran.

Eto ang pinaka importante sa lahat siyempre gusto mong mabayaran ka sa tinrabaho mo di ba? Maraming options kung paano mo matatangap yun payments, pero eto ang mga peborit ko:

Paypal: https://www.paypal.com/ph/webapp/mpp/account-selection

2. Mag-apply ng trabaho.

  • Sumulat ng panalong cover letters.

Ang cover letter ay kagaya rin ng application letter. Dito mo iko-convince ang mga clients kung bakit ka nila dapat i-hire or ma-invite man lang para sa interview.

Makakatulong ang mga to para sa karagdagang tips:

Guide: https://vabootcamp.ph/ultimate-guide-to-writing-better-cover-letters/

Best Practice: https://vabootcamp.ph/6-cover-letter-templates-from-a-top-earning-seo/

  • Pag-tagumpayan ang mga interviews.

Kung sinunod mo ang mga articles na nasa taas, malamang makikita mo na ang sarili mo na naghahanda para sa isang interview.

Habang kinakabahan ka at na-eexcite at the same time, panuorin mo ‘tong informative video ni Jason Dulay kung paano mo ipapanalo ang interviews: https://vabootcamp.ph/handle-client-interviews/

  • Wag mahihiyang mag-follow up.

Kadalasan, sobrang busy ang mga clients kaya nakakalimutan nila mag-update sa’yo kung ano ang resulta ng inapplyan mong trabaho sa kanila. If medyo matagal na o isang linggo na ang nakalipas matapos ang interview, pwde mo na silang ifollow-up.

Eto, meron din akong isang isinulat kung paano ko toh ginawa:
https://vabootcamp.ph/following-up-with-clients-on-upwork-job-invites/

3. Gawin ang trabaho sa abot ng iyong makakaya.

Kung umabot ka na sa huling step na ‘to, aba’y wagi ka na. Nakakuha ka na ng first online job mo! Congrats! Lahat ng iyong efforts na mapansin ng client ay napagtagumpayan mo.

Pero di dito natatapos ang lahat.

Ang panalong freelancer ay patuloy na magpapakitang gilas at magpapasikat sa kanilang mga clients sa patuloy na pag gawa at pag-provide ng mataas na kalidad ng trabaho.

Bakit? Para magtuloy-tuloy ang mga clients na ibibigay sa’yo.

  • Patibayin mo ang online credibility mo. Sa tuwing may nakukuha kang client, magbibigay sila ng ratings sa profile mo.

Syempre, dapat 5-stars ka parati dahil ito ang makakatawag pansin ng mas marami pang clients.

  • Pagtibayin rin ang relasyon mo sa iyong mga clients. Hindi porke’t sa online mo lang sila nakilala ay pababayaan mo nang mawala sila pagkatapos ng trabaho.

Isipino mo, kung na-impress mo ng husto ang iyong client, di ka niyan pakakawalan!

Ibig sabihin, magkakaroon ka ng long-term source of income! Pwede ka pa nilang i-chikka at i-recommend sa mga friends nila, so mas maraming income ang papasok sayo.

Eto ang pinaka-swak na paraan kung gusto mong maging full-time ang pagtatrabaho online. Ganito lang din ang ginawa ko hanggang sa nahigitan pa nito ang kinikita ko dati sa opisina.

4. Ulit-ulitin mo lang ang Steps 1 to 3.

Huwag kang huminto sa Upwork lang. Gumawa ka pa ng ibang online profiles sa iba’t ibang freelancing platforms and ulitin mo lang ulit yun steps sa itaas.

The more entries you have, the more chances of winning online ika nga 🙂

Etong isang article about the other freelancing platforms: https://vabootcamp.ph/find-online-jobs/

At eto pa ang ibang pwede mong i-explore na di namention sa article:

https://www.guru.com/
https://199jobs.com/
https://talent.hubstaff.com/
https://99designs.com/
https://www.peopleperhour.com/

Yan lang ang mga kailangan para makapag-simulang magtrabaho online.

Sa lahat ng toh, katuwang mo parati si Google para mag-research at maging updated parati. Ugaliing magbasa-basa ng mga blog posts at makihalubilo sa FLIP, ang ating bibo at super helpful na Freelancing Community sa FB.

Kung hindi ka sure kung anong skills ang ilalagay mo sa profile mo, makakatulong kung mag-uumpisa ka bilang isang Virtual Assistant.

Ang Virtual Assistant ay parang secretary or admin clerk natin sa office, pero nasa online nga lang so mas computer-related ang mga tasks.

Kung interesado ka rito, may  FREELANCING COMPILATION  kami para sa iyo. ITO YUNG LINK https://bit.ly/3LzC5mN

Lahat ng information na dapat mong malaman ay nandiyan na!

So ano pa inaantay mo? Dali na at subukan mong magtrabaho online - para mas marami tayong nag-eenjoy ng iwas traffic at kumikita habang nasa bahay lang 🙂

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito