Paano nga ba mag-trabaho online?
Paano nga ba mag-work from home? Kung tutuusin, simple lang naman para makapag-umpisa. Eto, ang 3 simple steps: Gumawa ng Online Profile. Mag-apply ng trabaho. Kumpletuhin ang task para matuwa si client and gumanda ang ratings ng Online Profile mo. Ganun lang.. 🙂 Pero iisa-isahin natin ang bawat hakbang para mas lalo nating maintindihan. Paalala lang na bilang isang online freelancer, importante na meron kang: Computer/Laptop (hindi sapat na phone or tablet lang) At least 2 Mbps na internet connection Nakakaintindi, nakakapagsulat, at nakakapagsalita ka ng Ingles (dahil madalas na foreigner ang clients natin) Ang Bawat Hakbang Kung Paano Maging Online Freelancer: 1. Gumawa ng Online Profile. Ni-rerecommend ko na magstart sa Upwork dahil eto ang pinakamalaki at sikat na freelancing platform. Ano nga ba ang freelancing platform? Maihahalintulad ang isang freelancing platform sa Facebook (isang social platform) kung saan, sa halip na ‘friends’ ang...